Hindi pa rin ako nagbabago.
1. Late pa rin ako matulog.
2. Aga pa rin ako magising (pandang racoon!!!)
3. Natutulog pa rin ako kung saan-saan (insomiac na narcoleptic???)
4. Addict pa rin ako sa net. (addict nga ba or....)
5. Ayoko pa ring umuwi.
6. Nag-o-obsess pa rin ako sa mga bagay-bagay.
7. Gusto ko pa ring mag-dorm.
8. Mahilig pa rin akong magprocrastinate.
So, ano na ang mga pagbabago sa buhay ko?
1. SOBRANG tamad ko na. As in hindi nako nag-aaral para sa mga pamatay na quiz at exam. Hindi na rin ako nakikinig sa klase.
2. Tanga pa rin ako pagdating sa...
3. Hindi ko na pinagdadamot ang piso ko. (hahaaha! Kung ngayon ko sya naging friend, siguro magiging iba ang takbo ng mga bagay-bagay)
4. Bati na kami.
5. Hindi ko na naaalala mga panaginip ko.
6. Hindi ako nag-eenjoy sa MATH eco. (MATH!!!! MATH!!! ndi nga ko nakikinig sa class eh... ndi pa ko nagsosolve ng probs... omg!)
7. Napapadalas pagkikita namin ng KWP.
8. Napapadalas pagkikita naming ni mom at tito lumar.
hay! siguro dahil ayaw ko sa nangyayari sa akin ngayon, napapalingon ako sa nakaraan. minsan feel ko ndi ko na alam kung san ako pupunta. masakit pa rin ung nangyari noon... tapos masakit rin ung nangyayari ngaun... para bang stuck na lang ako sa gitna... ndi ko lam kung saan ako pupunta kasi nga ayokong masaktan.... hindi naman sa puro sakit at kamalasan ang nangyayari sa akin ngaun.... at hindi rin naman na puro masama lang ang memories na meron ako... kaya lang... sa sitwasyon ko ngaun, un ung na-ha-highlight eh... kahit lam ko ndi dapat ganun... hay! katangahan nga naman....
Saturday, February 17, 2007
Friday, February 16, 2007
sobrang hirap.... bakit ko pa kasi nalaman eh.....
Nakakalungkot naman. Halos lahat ng kakilala ko malungkot ngayong v-week. Bakit kasi v-week pa nalaman eh? Hay! Dapat masaya rin ako. Bati na kasi kami eh. Kaya lang, hindi ko maiwasang malungkot. Masakit kasi eh. Unti-unti ko nang natatanggap pero... mahirap. Tao lang rin naman ako. Alam ko namang immature ako ayon sa first psychosocial stage ni Erik Erikson. Tapos aasahan mo akong maghintay at magtiwala? Isa yata yang malaking kahibangan. Pero, kahit ganun, sinusubukan ko pa rin. Alam ko namang makakabubuti yun sa kin eh. Hay! MAHIRAP nga lang.
Tuesday, February 06, 2007
hibang
Hay! Nahihibang na ata ako. Isa lang ang ibig sabihin nito. Kelangan ko ng pagbabago. Akala ko sapat na ang mga ginawa ko para hindi na umabot sa ganito pero kulang pa rin pala. hay! Eh anong pagbabago pa ba ang magagawa ko? Gusto ko ng pagbabago pero ayoko namang mawala kung anong meron ako ngayon. Hay! Magulo ba? Ako rin naguguluhan.
Subscribe to:
Posts (Atom)
broken
sa Lex: BREAKING stereotypes sa Love: BREAKING traditions ang lakas kasi ng loob ko.. kala ko kaya ko lahat.. kaya eto ako ngayon: BROKEN a...