Tuesday, January 23, 2007

malungkot pero dapat masaya

Bakit ganun sila? Kanina sa fx, tinanong na ko ni dad kung nagkakasal ba ung dad ni ice. Hay! Ibig sabihin may balak na talaga siya magpakasal. As in tuloy na. Naalala ko tuloy ung araw na nalaman kong magpapakasal na si mom kay Tito lumar. Sa fx ng modesta ko rin nalaman yun. Hay! Tapos umagang-umaga ko rin nalaman. Hay! Yoko na. Siyempre kahit ibang tao na ang mahal nila, die hard Mon-Lulu fan pa rin ako. Kung sinusuportahan ko nga ang Janicca-Tarok loveteam, Mon-Lulu pa kaya. Tapos kanina, may sinasabi si dad tungkol sa candy, tapos tinawag ba naman niya akong "sweet". Eh un ung tawag niya kay tita mhags eh. Hay! Lakas na talaga ng tama ni dad.

Note: Si Janicca at Tarok nga pala ay mga batang estudyante namin sa Kaingin. Actually, hindi namin(kaming 4) sila tutee pero nakikita namin sila dun. Ang cute nung batang un. Haha!

Monday, January 22, 2007

inis, tawa, iyak

May nanloloko sa akin. Hindi ako natutuwa. hay! Bahala siya.

Nagpunta kami kanina ni Karen sa arpee. Dun kami nag-aral ng histo. Hay! May natutunan naman ako pero... haha! Mas marami ata ang napagkwentuhan namin kaysa sa naaral namin. Lagi na nga kami umaalis ni Karen na kami lang. Kasi naman si Kate, hindi pwede or hindi namin kasama nang mapagdesisyonan naming umalis. Si Yen, tinatamad. Si Anncee, may gagawin. Napaparami na nga ang FX Drayber-from-arpee-to-san-mateo kowts ko eh.

Kowt1
Drayber: (nang makitang may pasaway na pedestrian) Tapos kung mamatay ka, magrereklamo ka.
-pwede ba un???

Kowt2
Pasahero: Dyan lang ho sa may waiting shed.
Drayber: Bababa ka?
-alangan namang gusto lang nia ipakita sau kung anong itsura nung waiting shed

Nga pala, may bago akong cSA. wahahaha! Pangatlo na ito. Ok lang. Basta masaya. HappyCrush! Yoko na ng seryoso. Masyado masakit.

broken

sa Lex: BREAKING stereotypes sa Love: BREAKING traditions ang lakas kasi ng loob ko.. kala ko kaya ko lahat.. kaya eto ako ngayon: BROKEN a...