Tuesday, September 05, 2006
daddy
Ang weird. Simula nang mag-break sina dad at tita cecile, na-miss ko si dad. Siyempre, lagi kasi siyang late umuwi kasi nakikipag-date pa siya kay tita mahgs. Ang weird ng pakiramdam na na-mi-miss mo ang isang taong araw-araw mong nakikita. Para kasing hindi na kami nag-uusap. Kung mag-usap man kami, lagi naman kaming nag-aaway. Hay! Minsan iniisip ko na sana makapag-asawa na si dad para maging maayos na ang lahat. Pag nag-asawa na siya, sa aming tatlo na lang siya mag-fo-focus. Pero, sa napapansin ko, takot naman si dad sa commitment. Hay!
Monday, September 04, 2006
baha at theo ...
Ang lakas ng ulan kanina! Baha tuloy sa Ampid. Pakiramdam ko na-seasick ako sa tricycle. Promise! Ang weird nga kasi parang may alon pa yung baha! Pag dating ko kina ice akala ko maayos na ang lahat. Hindi na kasi baha sa kanila. Pero, nung lumiko yung tricycle sa street nina tita tess, para namang may waterfalls. Natakot ako kasi feel ko talaga malulunod ako. Hay! Bakit kaya napakabilis magbago ng panahon? Ngayon naman, sobrang init. Waaah! Magkakasakit ako nito!!!
Napag-usapan namin sa theo na mas mahirap patawarin yung mga taong malapit sa iyo kaysa sa mga taong hindi mo kilala nang lubos. Totoo nga naman. Di ba nga... ang mga taong malapit sa 'yo ang may kakayahang saktan ka. Mas mahirap magpatawad kasi mas masakit yung nagawa nila. Mas tagos sa puso yung pananakit na naganap. Mas mahirap -restore yung nasirang relasyon kasi mas malaki yung destruction na naganap. Mas malaki yung takot na magtiwalang muli.

Sunday, September 03, 2006
yellow bus
I miss the YELLOW BUS!
Para sa isang koolasa, naging parte na ng buhay ko ang pagsakay sa mahal kong service. he3! Dito ko nakilala ang aking mga kaibigan at kaaway. Dito ko natutunan ang maraming bagay, mula sa paglalaro ng tong its hanggang sa pag-co-commute at pag-aaral.
Naaalala ko pa ang first day ko sa yellow bus.(Note: Iba ito sa first day ko sa service ni Mang Jo dahil hindi yellow bus ang ginagamit na pang-sundo sa mga taga-GALC) Kasama ko si Lola Meng. Sa harap namin nakaupo sina Cath at Martha. Tapos pinakilala kami ni Lola at nung kunduktor sa isa't isa. Away-bati ang drama naming tatlo noon. Minsan si Mang Jo pa nga ang ginagawa naming "bridge".
Tapos dumating si Ice. Siya ang iilan sa mga ka-service namin na hindi nag-GALC(ayon kay Mang Jo). Pero wala pa ring nagbago. Away-bati pa rin. Umalis si Martha. Away-bati pa rin kaming tatlo.
Nagkaroon pa nga ng BUS WAR 1: The Attack of the Paper Balls. he3! Nakakatawa kami nung bata kami. Sobrang dinibdib namin ang boys vs. girls stage.
Siyempre, nag-high school din kami. Naaalala ko tuloy yung SECOND TRIP lalo na nung SECOND year(waja!). Bibili si Ate Mariel ng chihiria at soft drinks sa Papa Nong's tapos food trip lang kami sa service. Nag-b-blayblade at 10-20 pa kami sa parking lot ng Marist. Siyempre wala na masyadong tao nung mga panahon yun. he3! Nakakatawa siguro kaming tignan.
Sa service din kami nakakakilala ng ibang tao. Nagkakaroon ng mga issue(yikee). Nagkaka-away ang magkakaibigan. Hay! Tapos nag-retire si mang Jojo.
Madami kaming nilipatan. Sa huli, nabuo ang KYB. Natuto akong mag-tong-its. he3! May napagsasabihan ako ng panaginip(literally..tuwing umaga yan). Marami akong natutunan(syempre walang kinalaman sa acads).
hay! i miss the yellow BUS!

nakapagtataka
pano mo ba un nagagawa? minsan natatakot na ako. dati, lagi ko na lang ibinibintang sa tadhana. pero iba na ngayon. nagpapakatotoo na ako dahil gusto kong isipin na iba na ang nararamdaman ko para sa'yo. pero... ano na namang salamankang itim ang ginamit mo at napapapaniwala mo uli ako sa mga bagay na hindi ko na pinaniniwalaan?
Subscribe to:
Posts (Atom)
broken
sa Lex: BREAKING stereotypes sa Love: BREAKING traditions ang lakas kasi ng loob ko.. kala ko kaya ko lahat.. kaya eto ako ngayon: BROKEN a...