Thursday, December 28, 2006

kailangan ng pagbabago

hay! sobrang tagal ko nang hindi nag-po-post dito. Sobrang dami nang nangyari sa buhay ko. Naging prosti (video para sa isang theo project). Naging DL (buti na lang. ako na lang ata sa kada ang hindi pa...). Nagbantay sa exhibit(nanakot ng costumer. he3!). Nagbantay sa simbang gabi sale (di na ganun kaganda bel. nagbawas sila ng ilaw :c). Natuto ng hiragana (dapat inaaral ko na ngayon ang katakana pero.. tamad eh.. he3!).

Tapos... natisod din ako. Nadapa. Nahulog. Ngayon naman ung daig-pa-ang-na-traffic-sa-edsa mode. Tapos nagkaroon din ng kahit-i-mighty-bond-mo-pa part2 (may kasama pang open forum tungkol sa hinananakit ng taong-bayan tungkol sa akin). Andiyan din yung project na ayokong kunin. Ang dami ko pa palang gagawin dun. At siyempre, hindi mawawala ang family problems. More than one year na rin ung kasal. Tanggap ko na ba? hay! Parehong masaya at malungkot ang 2006 para sa akin. Feel ko nga nagiging bipolar na ako eh. he3! Pero ok lang. Kaya ko pa. Sabi nga nila one day at a time lang. hay! Napapadami ata ang buntunghininga ko... he3!

Ngayon, nagreresearch ako tungkol sa furoshiki. he3! Napanood ko kasi sa tv. Ang cute kasi. Basta hayaan niyo na ko. kailangan kong malibang. Kailangan kong tumakbo. Kailangang kailangan ko ng pagbabago...

Tuesday, September 05, 2006

daddy

Ang weird. Simula nang mag-break sina dad at tita cecile, na-miss ko si dad. Siyempre, lagi kasi siyang late umuwi kasi nakikipag-date pa siya kay tita mahgs. Ang weird ng pakiramdam na na-mi-miss mo ang isang taong araw-araw mong nakikita. Para kasing hindi na kami nag-uusap. Kung mag-usap man kami, lagi naman kaming nag-aaway. Hay! Minsan iniisip ko na sana makapag-asawa na si dad para maging maayos na ang lahat. Pag nag-asawa na siya, sa aming tatlo na lang siya mag-fo-focus. Pero, sa napapansin ko, takot naman si dad sa commitment. Hay!

Monday, September 04, 2006

baha at theo ...

Ang lakas ng ulan kanina! Baha tuloy sa Ampid. Pakiramdam ko na-seasick ako sa tricycle. Promise! Ang weird nga kasi parang may alon pa yung baha! Pag dating ko kina ice akala ko maayos na ang lahat. Hindi na kasi baha sa kanila. Pero, nung lumiko yung tricycle sa street nina tita tess, para namang may waterfalls. Natakot ako kasi feel ko talaga malulunod ako. Hay! Bakit kaya napakabilis magbago ng panahon? Ngayon naman, sobrang init. Waaah! Magkakasakit ako nito!!!





Napag-usapan namin sa theo na mas mahirap patawarin yung mga taong malapit sa iyo kaysa sa mga taong hindi mo kilala nang lubos. Totoo nga naman. Di ba nga... ang mga taong malapit sa 'yo ang may kakayahang saktan ka. Mas mahirap magpatawad kasi mas masakit yung nagawa nila. Mas tagos sa puso yung pananakit na naganap. Mas mahirap -restore yung nasirang relasyon kasi mas malaki yung destruction na naganap. Mas malaki yung takot na magtiwalang muli.

Sunday, September 03, 2006

yellow bus

I miss the YELLOW BUS!

Para sa isang koolasa, naging parte na ng buhay ko ang pagsakay sa mahal kong service. he3! Dito ko nakilala ang aking mga kaibigan at kaaway. Dito ko natutunan ang maraming bagay, mula sa paglalaro ng tong its hanggang sa pag-co-commute at pag-aaral.

Naaalala ko pa ang first day ko sa yellow bus.(Note: Iba ito sa first day ko sa service ni Mang Jo dahil hindi yellow bus ang ginagamit na pang-sundo sa mga taga-GALC) Kasama ko si Lola Meng. Sa harap namin nakaupo sina Cath at Martha. Tapos pinakilala kami ni Lola at nung kunduktor sa isa't isa. Away-bati ang drama naming tatlo noon. Minsan si Mang Jo pa nga ang ginagawa naming "bridge".

Tapos dumating si Ice. Siya ang iilan sa mga ka-service namin na hindi nag-GALC(ayon kay Mang Jo). Pero wala pa ring nagbago. Away-bati pa rin. Umalis si Martha. Away-bati pa rin kaming tatlo.

Nagkaroon pa nga ng BUS WAR 1: The Attack of the Paper Balls. he3! Nakakatawa kami nung bata kami. Sobrang dinibdib namin ang boys vs. girls stage.

Siyempre, nag-high school din kami. Naaalala ko tuloy yung SECOND TRIP lalo na nung SECOND year(waja!). Bibili si Ate Mariel ng chihiria at soft drinks sa Papa Nong's tapos food trip lang kami sa service. Nag-b-blayblade at 10-20 pa kami sa parking lot ng Marist. Siyempre wala na masyadong tao nung mga panahon yun. he3! Nakakatawa siguro kaming tignan.

Sa service din kami nakakakilala ng ibang tao. Nagkakaroon ng mga issue(yikee). Nagkaka-away ang magkakaibigan. Hay! Tapos nag-retire si mang Jojo.

Madami kaming nilipatan. Sa huli, nabuo ang KYB. Natuto akong mag-tong-its. he3! May napagsasabihan ako ng panaginip(literally..tuwing umaga yan). Marami akong natutunan(syempre walang kinalaman sa acads).

hay! i miss the yellow BUS!

nakapagtataka

pano mo ba un nagagawa? minsan natatakot na ako. dati, lagi ko na lang ibinibintang sa tadhana. pero iba na ngayon. nagpapakatotoo na ako dahil gusto kong isipin na iba na ang nararamdaman ko para sa'yo. pero... ano na namang salamankang itim ang ginamit mo at napapapaniwala mo uli ako sa mga bagay na hindi ko na pinaniniwalaan?

Sunday, August 20, 2006

cinderella na may halong high school musical

"It's funny when you find yourself
Looking from the outside
I'm standing here but all I want
Is to be over there
Why did I let myself believe
Miracles could happen
Cause now I have to pretend
That I don't really care"
-When There Was Me and You

hay! mala-cinderella na naman ang drama ko... hay! i wish i could've gone to the ball...

Saturday, August 19, 2006

sagala ng mga sikat

Waaah! Kahapon naganap ang Sagala ng mga Sikat. Nakasama kasi ang block namin. Maalaala mo Kaya ang topic. Astig!!! Nung una, walang gustong maging bakla (ung character na nagsulat kay Charo). Pero napapayag namin si Carlo. Ngayon, sobrang laki ng respeto at paghanga ko kay Carlo. Biruin mo, nakayanan niyang magsagala ng naka-high heels. Nakayanan niyang umikot sa school ng naka-make-up at gown. Ang galing talaga!!! Tapos nung una namomoblema rin kami ni Cheska sa presentation kasi yung iba hindi nagseseryoso pero kahapon.. ANG GALING NILA!!! Waaah! Tapos tuwang-tuwa ung audience. Sana manalo kami, pero ok lang din kung hindi... astig talaga!!!



nakasama ko nga pala si CSA at bagong smoker kanina... he3! kilig! kulang na lang si sipa..
alam na nga pala ni anne.. waaah! ok lng.. ako naman nagsabi eh...

Sunday, August 06, 2006

lang kwentang updates.. he3!

Napakarami nang nangyari sa akin.. he3!
1. Dumating na sina tita NiNi
2. Tapos na yung exposure trip (he3! kaya ko pala! akalain mo yun!!)
3. 18 na ko.. wahahaha! masaya na malungkot ung bday ko... nakakahibang!
4. dumating na sina tito rolly (do you want some rice?)
5. Nakapagturo na ako... i love nstp.. magka-Kaingin ako next yr!

Saturday, July 15, 2006

wahahaha!

Hay! Napakarami na ang nangyari sa akin ngayong school yr. he3! isang buwan pa lang kami sa school.. he3! Hay! Nagiging active nako sa mga org ko.. yey! Sa dami ng mga nangyayari sa akin, madami at madalas na rin mood swings ko. he3! Pero may natutunan ako. Fluff is the best therapy. Promise! he3! Basta masaya second year!

Friday, June 16, 2006

responsibilidad

Mabigat na responsibilidad ito. Natatakot ako. Baka hindi ko makaya. Pero... pag di ko ito tinanggap ngayon, kelan pa? Kaya ko to! hay! identity/soul searching ang drama ko ngayon.

Tuesday, June 13, 2006

nahihibang

I'm becoming overly mushy and sentimental. Seryoso!!! Hindi ko nga alam kung bakit. Ugh! Hormones! he3! I should stop blaming my hormones. In less than 3 years, i would no longer be a teenager. WAAAAhhh! Its probably the second puberty thingie..or am i too young for that? hay! Its just that.. i'm so confused. Are you really that unknowing and naive or are you just being an insensitive jerk?? hay! Tapos na-Lss pa ako sa kantang only reminds me of you by st. paul Waaah! Hindi! Hindi to maaaring mangyari.Hay! I'm overthinking (may ganun bang word??) again. O baka naman di lang ako nag-iisip.. waaah! nahihibang na ako... hindi maaari.. i'm too sensible for this!! yeah right! kelan pa ako naging sensible?? its the mocha cake syndrome... heh! i'm even arguing with myself.. waaah!!

Thursday, June 08, 2006

pagod pero masaya

Umalis kami kanina ng kada ko!!! Wahahaha! Nakakamiss lang kasi. Kahapon naman, nag-enroll na ko. Wahahaha! I love my sched! Half day ako pag MWF. Hay! Imbis na maka-ipon ako dahil pwede akong kumain ng lunch sa bahay, mapapagastos pa ata ako kasi nakaka-tempt gumala. Half day pa naman din sina ice tsaka sina anne. he3!

Monday, June 05, 2006

yearbook at fatalism

May na-realize ako. Hindi ko memorize ang school hymn namin. Ni hindi ko nga alam ang tono eh. Pag sinabi mong "school hymn", "Come loyal Benedictine children..." ang pumapasok sa utak ko. Hinalungkat ko tuloy yung mga gamit ko at hinanap ko yung yearbook namin. I hate yearbooks. Yearbooks are so overrated. Hindi nakukuha ng isang picture at blurb (dnt know what to call those profile thingies...) ang personalidad ng isang tao. Everything is either toned down or exaggerated. But it still achieves its purpose. I MIss H.s!


Tanong: Ano ang pinagkakaabalahan ko ngayon???
Sagot: FATALISM...

wahahaha! fatalism IS love!
"There are no coincidences, only the inevitable"

Sunday, June 04, 2006

waaaaahhh!!

eto nga pala ang...
quote of the day: "May HAYOP na pumasok sa mata ko!"
he3!

I think that i'm going blind. Ang basa ko sa "love sick giggles" ay "love sick goggles" wahahaha! Sobrang iniiisip ko kung ano ang ibig sabihin ng love sick goggles... he3!

Wahahaha! I'm on a sugar high!!! halata ba???

11 random facts about me

11 Random Facts about tricia

1. I have egotistical tendencies/moments. Duh! Why else would i post 11 random facts about myself on the net?

2. I lost my parents' wedding picture.

3. I hate sudoku. I can't solve sudoku puzzles!!!

4. I'm addicted to crunchi bars. I'm a crunchi-holic.

5. I talk in my sleep.

6. I believe in Murphy's laws.

7. I have an unhealthy habit of thinking too much and rationalizing stuff that are just meant to be accepted as what they are. Buti sana kung schoolwork ang iniisip ko...

8. I love fluff.

9. I'm absolutely fucking terrified of death.

10. I both love and hate the fact that i don't look like my age. It depends on the situation.

11. Most people underestimate the extent of my depravity.

Monday, May 15, 2006

meralco at too much info

63111111- MERALCO HOTLINE he3! Lagi na lang kasing nawawalan ng kuryente. Nakakatawa nga eh. Wala kaming kuryente noong nakaraang sabado. Na-LSS tuloy ako sa Meralco theme song dahil pinaghintay nila ako ng napakatagal.







waah! Knowledge is a very powerful thing. I seem to have this uncanny ability to discover stuff that i'm not supposed to KNOW. I hate snooping around. I mean, i love the show veronica mars and p.i. shows intrigue me. When i was younger being a private detective was in my what-i-want-to-be-when-i-grow-up list BUT i would NEVER snoop around my family/friend's private affairs. It just feels wrong. And i still believe in the cliche that "Ignorance is bliss". But as i've said, my "uncanny ability to know stuff i'm not supposed to know" makes it difficult for me to live a blissfully ignorant life.

I know most of our family secrets (most of which some of my aunts and uncles don't know about). It's not my fault that my grandmother tells me all of these secrets. I can't just close my eyes, put my hands on my ears, sing a silly song and run out of the room. Duh! She's my grandmother. That would be a sign of disrespect... And she would probably think that i'm going crazy.

I know about my dad's relationships. It's not my fault that his ex-girlfriends would badmouth his other ex-girlfriends so that they would look good. It's also not my fault that when my dad told me to clean my room, i found a box of love letters addressed to him. Of course i didn't know that they were love letters so i read them. It was really an honest mistake (promise!).

I know about problems that i shouldn't know about. My mom wants us to be close. Actually, she wants us to be friends. So, she tells me her problems. There's nothing wrong with that. Its just that grown-up problems are a bit different from teenage problems. When i was in high school, she told me a problem that my aunt had about her child and marriage. I was 14 years old! What would i know about that stuff? I shouldn't even be thinking about that stuff. And then, she told me about her problems with her boyfriend. Seriously, who would want to know about her MOM's love life? Maybe i'm being insensitive BUT...

I know lots of stuff that i shouldn't know about. I know them coz people tell me about them. Sometimes i just stumble upon the truth. I don't look for answers but the answers are given to me. Sometimes it's funny coz i don't even know the questions. Sometimes it makes me feel sad or angry coz i know the answer to a question that i couldn't even dare to ask. Instead of making things clear, it just makes things more confusing.

Knowledge is powerful if you know how to use it. But i don't want to use it. This kind of knowledge would hurt other people. It is a burden to know these things but i would rather keep this burden to myself that share it with the people that i love. I guess that this entry is a way to alleviate some of the burden that i'm carrying. I just wish that my mom and dad would never discover my blog. he3!

Friday, May 05, 2006

random lang talaga... i obviously need therapy...he3!

waaah! I'm not a fan of vampire lit pero astig talaga ang "Be Mine, Forever" ni Rosemary Laurey. I'm hungry. I'm need sustenance. er.. did i just use the word "sustenance"? O.O

Tanong ko lang...How do you know the difference between a schizophrenic and someone who frequently talks to his/her conscience?




Sometimes i envy babies and toddlers. They don't wear masks.They don't deal with complications. They just show raw emotions and they don't give a damn if it makes them look vulnerable.

Thursday, May 04, 2006

gah!!!

gah!!! Life is so unfair. People are so unfair. My parents are so unfair. My dad is so unfair. Nung una, itinatrato nila akong parang isang hiyas na nakakulong sa torre ni Rapunzel at pinoprotektahan ng mababangis na dragon. Ngayon naman para akong isang kuting na walang kaalaman at kakayanan para mangaso (no pun intended) at bigla na lang itinapon sa mabangis at masukal na kagubatan. gah!!

Sunday, April 30, 2006

wahahaha! wala lang.. hindi ako magaling mag-isip ng title... obvious ba?

My mom wants me to learn japanese. I want to learn how to use a sword. hahaha! Astig yun!


Quote of the day:
Study hard, let hatred be your guide.

Tuesday, April 25, 2006

wala akong maisip na title

ha! Nanggaling ako sa school kanina. he3! Walang kwenta! At least nakita ko si cath at christian sa ampid. ang galing nga eh. Papauwi na ako tapos papaalis pa lang sila.

Natapos na rin yung kada swimming namin. Naganap ito nung april 21. Nakakatawa nga kasi kaming 3 lang nina ice at meg ang sumipot. Tapos sa mall din yung bagsak namin. he3! Nagswimming kami pero nagpunta rin kaming mall after nun. he3! Nakaka-miss talaga...

Sobrang na-mi-miss ko na ang school. Lagi ko na lang kasi itong napapanaginipan. hay! Sana nagsummer na lang tuloy ako. he3! At least hindi ko na napapanaginipan yung prinsipeng pinahihirapan ng kanyang ama dahil sa akin. ha! WEIRD! hay! Halata namang nababato na ako dito sa bahay.

Oo nga pala. Quote of the day:

Hindi porke't koreano ka magaling ka nang mag-espanyol!

Sunday, April 16, 2006

too much fluff.. at sigarilyo

wahahahaha! Wala lang. Masyado lang akong natutuwa. I think i've read too much fluff. Para akong nakakain ng isang balikbayan box na puno ng fluff puffs. wahahaha!



Matalas ang pang-amoy ko pagdating sa sigarilyo. Bakit?
1. I was a TA trainee. Isang sem din akong napaligiran ng mga taong sigarilyo ang pabango. tsk tsk tsk... theater people talaga oh. he3!
2. SPG galore sa ateneo... he3!

So, anong point ko? Wala naman. he3! Si dad kasi halatang-halata pag may ginagawang bisyo. Tsaka pareho kami eh. Kapag nakainom ako, hindi ako lumalapit sa kanya. YOu should've seen his reaction when i approached him. he3! Bigla niyang nilayo yung mukha niya at biglang tumigil sa pagsasalita. Tapos biglang nagsipilyo. he3! May pinagmanahan pala ako.. kaya lang magaling akong magtago. he3!

Saturday, April 15, 2006

swimming at ang idiot box : epekto ng pagkabilad sa araw

Hay! Tapos na yung Puerto Outing at Swimming sa Mntalban. Ibang klase ang Holy Week ko.
Nakabilad ako sa araw simula nung Monday hanggang Thurs. he3! Ang itim ko na!! May natutunan ako sa Puerto. Takot pala ako sa isda. Promise! he3! Nakakatakot din yung isang bangkang de-motor na nasakyan namin. Muntik na siyang bumangga sa isa pang bangka. Tapos yung boat na sinakyan namin pauwi (pabalik sa Batangas port), umm.. ok naman ung boat pero sobrang alon nung dagat. "Be still my frantic heart!" ang mantra ko nung mga panahong iyon. Astig din yung Puerto Outing kasi may sarili akong kwarto. wahahaha! Gusto ko na talagang magkaroon ng sariling condo/apartment. Astigin din yung Swimming sa Mntalban. Nagulat ako nung mag-slide si Hannah. Talo pa niya ang ate niya. he3!

May napansin ako. Magkalapit ang PIH sa PCH. Wahahaha! Vmars overdose na ito!

I'm becoming a TC addict. Wahahaha! I want Fai's tattoo.

TV is becoming my Holy Grail. It fuels my escapist fantasies. he3! Na-sobrahan na yata ako
sa araw. I'm using anthimerias.

Sunday, April 09, 2006

nahuhulog

Bakit kaya ang sarap ng pakiramdam kapag nahuhulog? Seryoso! It only hurts when your body comes in contact with the ground. Nevertheless, the feeling of falling makes me ecstatic. I don't really know how to describe it. Basta ang sarap! Promise! Its a crazy feeling.. but it feels SO good. uhmm.. Promise.. hindi ako high ngayon.. he3!


Waaahh! Bakasyon na pero ang dami ko pa ring ginagawa... Hay! I wanna leave everything and just...FALL.


cge.. i still have a lot of things to pack.. he3!

Thursday, April 06, 2006

phone call

Okay. Now that was totally weird! Tumawag ako sa bahay ni mom sa Montalban. Tapos hindi ko kilala yung sumagot. Sabi ko tuloy : "Good Afternoon po. Pwede po kay Ms. Lulu Tro- uh... Sosa." WAAAhhh! Nakakatawa tuloy ako. What was i supposed to say? "Hi! Pwede po kay mommy"? I was even hoping that Tito Lumar would be the one to answer the phone. At least mas madali... siguro. Hay! Ang weird ng buhay. And then, the guy (who answered the phone) asked me why i called. Waaaahhh! Sinabi ko na lang "Uhmm.. ako po yung anak niya.. he3!" WAAAAh! Napaka-awkward ng sitwasyon. grr.. Kelan kaya magiging normal ang lahat?

Wednesday, April 05, 2006

bakasyon, gakuari, piH

hay! Matagal na ring nagsimula ang bakasyon pero ngayon lang uli ako nag-update. he3! Ang sarap kasi ng pakiramdam na walang ginagawa.

GakuAri addict na nga pala ako. he3! Wala lang. Ang cute kasi ng story!!!

Natuloy din yung April 3 Outing ng PIH. Kasama namin si Sung Hee. he3! Technically, hindi kasama si Sung Hee sa PIH kasi ndi naman siya tumatambay dun. he3! La lang. Hanggang ngayon, masakit pa rin ang katawan ko. Naaalala ko tuloy yung walang hiyang truth or dare. he3! Sayang nga at hindi natuloy yung mga dare. Hindi ko pa rin alam kung bakit "9 Waves" ang tawag dun sa lugar. he3! Tapos sinabi ko sa kanila yung tungkol kay CSA. waaah! he3! Ok lang. Wala na naman yun eh. ata... he3! I kinda miss going to school.

May trabaho na nga pala si dad! yes! Makakabayad na rin siya ng utang. he3! Alam ko naman na inuutang lang niya tuition fee ko eh. Sana kasi humihingi siya ng tulong kay mom. At least si mom at tito lumar may income. But i can't really blame my dad. Pareho kaming mataas ang pride. I couldn't imagine him asking his ex-wife for money. Teka, hindi ba siya nangungutang kina tita nethskie? Ewan ko ba... he3! Basta at least ngayon, may income na kami!!!! yes!

Napapadalas na ang labas namin nina mom. (kung ikukumpara dati na wala talaga kaming communication for almost 3 months or longer) hay! I really miss my mom. Pag lumalabas naman kami, nakikita ko naman na masaya siya. Dapat lang! he3!Napadalas na yung pagkikita namin simula nung humingi ako ng tulong sa botany project ko. I needed to bring a cinnamon plant to school. he3! Tapos na-engganyo si mom na bumili ng plants. he3! Nakita ko nga yung pictures sa montalban. Puro halaman na. Nanganak na nga pala si Brenda. Sana mabuhay lahat para pwede naming ibenta. May commission kasi ako. he3!

I'm suppose to make a music video gamit yung footages na nakuha ko sa PIH outing namin. I'm just having trouble uploading the images in the computer. Nabura ko pa nga yung modem namin. he3! Pero na-restore naman ni dad. Alam ko na nga kung ano gagawin ko sa video. Kailangan ko na lang ma-upload yung video. Comedy po ito!!! wahahaha!

Sunday, March 19, 2006

tapos na

waaaah! Matagal na akong hindi nag-po-post! he3! Busy na kasi ang buhay kolehiyo. Hay! Matagal nang tapos ang fil presentation namin. he3! astigin ang concept. wahahaha! Tapos na lit play namin. We got an A. he3! Ang ganda kaya. Hindi ako nag-perform kasi madami na akong ginagawa sa ibang subjects. Tsaka, isa itong musical play. he3! Pang-comedy lang ang boses ko. Basta! Ang dami nang nangyari. Last week ko na nga pala ito sa school. Bakasyon na!!! Yey! I'm gonna miss my english block. hmm... Ma-mi-miss ko nga ba SILA or... hay! sipa!

waahahaha!

10 years ago I...
- was seven years old
- had a happy family (akala ko happy...)
- believed in Santa Claus

5 years ago I...
- was twelve years old
- was addicted to anime
- wasn't jaded(???)

1 year ago I...
- was in high school
- believed that i would be happy if the person i loved is happy (which is true pero ngayon, kontento na ako sa paghahanap ng sarili kong kaligayahan...)
- cried almost every day

Yesterday I...
- watched tv all day (happy new year!!!)
- ate a lot!
- did not study for the final exam!!!

5 snacks I enjoy...
- CHEESE ... as in cheese lang!
- Hello Panda
- monay na ang palaman ay Chippy!!!!(love namin talaga!)
- peanut butter sandwich
- leche flan!!!(snack ba ito?... he3! ung malamig!!!)

5 songs I know all the words to...
- my valentine
- dreaming of you
- 25 minutes too late (wahahaha! i still love this song!!)
- kailanman (waja!)
- sampip (hahaha! natuto...)

5 things I would do with 100 million dollars...
- buy gifts for all of my family/friends
- donate to charities
- buy my own house
- buy a car(na may driver na!)
- pay for my own tuition fee!!!

5 places I would run away to...
- Never Neverland... wahahaha! (to live would be an awfully big adventure!)
- Canada
- Atlantis (he3! hahanapin ko yan...)
- my own world
- Wonderland (with alice)

5 places I would love to go to..
-
- Korea
- Italy
- New York
- Canada

5 things I would never wear...
- spandex (green spandex of youth... wahahahaha!)
- my dad's clothes (pero nasuot ko na to.. stupid play!!)
- my future/ex-future(?) stepmom's clothes (syet! nasuot ko na rin to! stupid fil presentation! he3! i have no anchorperson clothes...)
- bubuyog shades (wahahaha! retro! ok.. so nagsuot na rin ako ng bangaw shades.. he3! tao lang...)
- pinchy shoes (wahahahahaha!)

5 favorite TV shows...
- House
- Veronica Mars (LoVe.... magkakabalikan din yan sa season 2!!!!! he3!)
- The o.C. (hmmm... oo na yen! gusto ko rin yan!)
- Project Runway (coz i know that i'll never be like them... kahit gusto kong maging tulad nila...)
- uhh.. wala na kong maisip!...

5 bad habits...
- cramming
- procrastination
- daydreaming about world domination (wahahahhahaha!!! *evil laugh*)
- something i'm not allowed to talk about coz some of my friends/family members read my blog
- jumping to conclusions

5 biggest joys...
- being with my family
- being with my friends
- making other people happy
-
-

5 fictional characters I would date...
- William Patrick III of Hilton Academy (Mr. Continuously Irritatingly Smiley)
- Logan Echolls of Veronica Mars (LoVe.... wahahaha!)
- Quinn Carter of Romeo and Juliet Revisited
- umm.. Mr. Darcy of Pride and Prejudice (wahahaha!)
- Matt McNamara of Nip/Tuck (ha! ang tagal na nito ah!)

Monday, February 13, 2006

sorry

patawad

noon pa man ay nangako na ako
na uunahin ko ang mga kaibigan ko
kaysa sa aking sarili...
kaysa sa atin...

Friday, February 10, 2006

waaaaah! tambak na ko sa trabaho!!!!
things to do:
  • compile ppt for pnoi report
  • convert ppt to video para malagay sa vcd (Paano yun???)
  • pnoi essay
  • botany lec research paper
  • botany lec report
  • buy cinnamon sticks (saan?)
  • buy cinnamomum zeylinicum plant (saan?)
  • pa-reserve nung cord thingie for botany lec report
  • bag para english reflection paper module
  • make props for pnoi report
  • 1 more poem or 5 haikus for the literary folio

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!! HELL month na ito... for next week lang ang lahat ng iyan... hindi pa kasama yung mga homework, graded recitaitons at pagsusulit

Sunday, February 05, 2006

Hay! Natutuwa ako na unti-unti nang nagbabalik na sa dati ang lahat. masayang kwentuhan... tawanan... hay! Ang sarap isipin na hindi na nangyari ang nangyari noon...

Sunday, January 29, 2006

fung shui at wrong info

My dad is trying to convince me that fung shui is logical. Hello?!!!! Kailan pa nangyari yun? Sabi ko magbigay siya ng halimbawa. Binigay niyang halimbawa yung Central Bank sa may East Ave. Malapit daw ito sa maraming hospital. Yung hangin daw ay nagdadala ng masama sa bangko kaya hindi uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas. Gusto ko tuloy sabihin: "So, anong konek?" kaya lang hindi maganda hair ko. Hay! Tapos dahil ayaw kong maniwala sa kanya, nagalit ba naman sa akin. Hindi niya lang matanggap na he's starting to be like my grandmother. Naniniwala na siya sa mga superstitions na iyan.








At yang MEDIA na iyan. hay! Lagi na lang mali ang info na binibigay nila. Sorry kung sobrang late ng reaction ko, pero ngayon ko lang nalaman eh. Isama ba naman si Tita sa eskandalong hindi naman siya kasangkot. Nung sa East Ave pa nagtratrabaho si Tita Susan, may namatay na pasyente. Nagka-allergic reaction ata yung pasyente sa dugong ni-tranfuse sa kanya. Yung med tech lang naman yung may kasalanan. Nung panahong nangyari iyon, nag-leave muna si tita dahil na-ospital si Lola Meng. Ngunit, sinangkot ng MEDIA na iyan ang pangalan ni Tita at ng anim pang doktor na wala naman kinalaman. Hindi man lang nila inalam na nakipagpalit siya ng duty that day. Ugh! Nakakabastos na kasi sila eh. Buti na lang bata pa si Bing noon. OO, last year pa siya nangyari. At nung mga panahong iyon ay wala ako sa tabi ng pamilya ko. Siguro ganito ka-exagG ang reaction ko dahil dun. Hay! Nakakalungkot naman...

Wednesday, January 18, 2006

random thoughts....

Sabi ko noon, gagamitin ko ang blog ko para maalala lahat ng experiences ko. Para tuloy hindi na natutupad yung purpose kong iyon. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakapag-update at nakakapagsulat ng isang detalyadong post. Naaalala ko pa noon, nagkaroon ako ng phase na lahat ng mumunting bagay na nangyari sa akin ay ilalahad ko sa blog kong ito. Hay! Mahirap kasing magsulat... dahil sa pagsusulat, ginagawa kong imortal ang mga sinusulat ko. Makalimutan ko man panandali ang mga alaala kong iyon, eh maaalala ko rin uli sa pagbabasa ng blog ko... kaya lang, kasama ng maliligayang mga alaala yung mga masasama... Tumawag sa akin kanina ang isa kong kaibigan, nagtatanong siya tungkol sa huli kong post. Hindi ko maikwento sa kanya kasi ayoko nang maalala pa pati yung mga malulungkot na nangyari sa akin. Ayoko na kasing pagdaanan pang muli yung sakit.Gumawa ako ng blog dahil gusto ko maalala ang lahat pero sa pag-aalaala ko ay naaalala ko rin ang mga nararamdaman ko noong sinulat ko yung entry na iyon... eh...kasama ng mga ngiti ang luha...kasama ng mga masasayang alaala ang mga masasakit... Sabi nga ni Shakespeare " Men must endure/Their going hence, even as their coming hither;/Ripeness is all" Hay! Kailan ko kaya matututunan ang maging ganun ka-mature? Pero hindi ko sigurado kung gusto kong matutunan yung pagka-mature na tinutukoy ni Shakespeare. I can't imagine myself devoid of all emotions.. kahit sabihin mo pang pain yung emotion na iyon... Pain is beautiful because pain teaches us to protect the people we love. Hindi siguro ako magiging ganito kung hindi ko nadama ang sakit sa mga naranasan ko... Kung hindi ako nasaktan, hindi ako matututong maghanap ng sarili kong kaligayahan...weird ba? Minsan kasi kailangan mong mabasag para magbago ang pananaw mo sa buhay... at nababasag lamang ang isang tao kapag sobra sobra na ang sakit na kanyang nararamdaman... Dahil na rin siguro sa bago kong "philosophy" kaya hindi ko magawang balikan ang nakaraan...masyado kasing magulo... hindi ko alam kung anong kaligayahan ang hinahanap ko... searching for your own happiness is very hard... kaya siguro nahirapan ako noon na tumaliwas sa pilosopiya na: sapat nang maging masaya kapag masaya ang taong mahal mo... mas madali kasing mabuhay sa kaligayahan ng iba... yun nga lang mas napapadali rin ang buhay mo... hay! ngayon, inilalagay ko muna ang aking focus sa mga masasayang bagay... hindi pa kaya ng puso kong masaktan muli...

*oh.. and Ben Mckenzie and Mischa Barton kinda look alike.. ha!

Monday, January 02, 2006

new year!

no time stamps... just memories....

nkapasa akong ateneo.. alam n ni dad... cyempre c robby nagsabi s kin kahapon.. dun kc cya nag-aaral.. eon... hay! naguguluhan ako.. nagdadalawang-isip ako sa la salle... hay! ang gulo ng mundo.. la salle o ateneo?


nkapag-desisyon n ko.. kpag ndi ako nka pasa ng upd... ateneo n ko.. para malapit.. tsaka para tuluyan ko nang makalimutan ang nakaraan...hay!


mga 4 n ko n2log.. bkit? secret!!... so eon.. 7 something ako ngcing ksi nag-txt c alot... pupunta nga pala kami sa burol/cremation.... ng mom ni ms. tomagan... so nagpunta kmi sa s'mall.. dun mag-mi-meet ung mga taga-irene na pupunta.. gmit namin car ni alot... he3! nagkasya naman kmi.. he3! 10 lng ata kmi eh... la lng... msaia papunta dun.. cyempre bonding... pero pagdating dun.. di mo maiiwasan ang umiyak... ksi mapapaisip ka 2ngkol sa kamatayan... 1st tym ko umatend ng ganun... la lng... hay!


eon... msaya kahapon ... sarap maging S.T.P. member... dhil sa farewell...he3! eon... nag-chocolate cla tpos 2wing may break eh may ginagaya clang senior tpos pinapahula kung cno... eon.. wahahaha! masaya... tpos binigyan kmi ng cd..ang laman eh ung mga pics nung S.I.P. play 2ngkol sa mga fairy tales.. wahhahaah! saya! xcited n ko mag-college...


dmi nang nangyari sa buhay ko... hay! eon.... nauna na c lolo maning sa heaven... tpos na dn ang graduation... college stud na ako... sa ateneo na ko mag-aaral... hay! la lng.. medyo la ako sa mood magblog.... c lolo nga kasi... kahit ganun un.. namimiss ko p dn... eon lng po cguro muna....


Because they didn't know each other earlier, they suppose that
nothing was happening between them.
What of the streets, stairways and corridors
where they could have passed each other long ago?


i guess that i'm just scared... kahit 'di pa tapos ang mga binabasa kong story eh alam ko naman na they're using there bitchiness(may ganun bang word?) as their defense mech... in short, i find their characters fascinating because i wanna be like them... i wanna be tough... i'm scared... of what? i'm not sure but one thing comes to my mind... COLLEGE... more specifically... ATENEO...



hhmm.. bkit biglaan ang interest ko kay ricky ullman... cguro dahil he reminds me of someone... parang dati.. nung nagka-crush ako kay frankie muniz at kay gordo ng lizzie mcguire(he3! forgot his name....)... eon... parang c onyok adriano... he3! he reminds me of someone... iba pa sa taong naaalala ko kay ricky.... wahahaha


note to self: Never go online whenever you're wasted.


Mahirap itago ang nararamdaman mo. Mahirap ngumiti kapag nasasaktan ka. Mahirap magkunwaring galit kahit ibang-iba naman yung nararamdaman mo.


Sabi pa ng karamihan eh masyadong cliche ang istorya ng mga telenovelang iyan. Hindi daw ito nangyayari sa totoong buhay. Mali sila. Siguro hindi lahat nangyayari. Marriage for convenience? Duh! Hindi yun ang tinutukoy ko. Yung mga simpleng bagay. Yung PAGMAMAHAL. he3! Lahat naman tayo umibig na. Yung PAGPAPANGGAP. Parte yun ng pagiging tao. Yung SUFFERING. Lahat naman tayo nasaktan na. hay! Ano ba ito? he3! I should really stop watching Koreanovelas...


May nabasa ako na we tend to choose mates/lovers who are like are parents. Di ba yung ibang guys gusto makatuluyan yung katulad ng mom nila. Hindi ako ganun. I love my dad pero hindi ako maghahanap ng tulad niya. Hay!


Lagi na lang kasing yung arrogant-jerk-who-is-only-using-that-as-his-defense-mech-or-that-is-just-his-kindergarten-way-of-telling-the-girl-that-he-is-crazy-about-her at yung bidang girl ang nagkakatuluyan.


Buti nga hindi na-o-offend si lola dahil minsan tinatrato siya ni dad na parang bata. Hay! Pero medyo gets ko si dad. Binibigay lang niya kay lola yung atensyong hindi niya naibigay kay lolo


"Kunin mo yung lighter dun sa ano... sa ano.. dali!"
"Saan?"
"DUN SA KABINET! ISA LANG NAMAN ANG KABINET DIYAN!"
uhh... Hindi kaya. Ang dami kaya ng cabinet sa kusina. Siya pa may ganang magalit. I wasn't the one who was incoherent. Argh!


Sa taas daw ako manood dahil maglilinis siya ng kotse. Uh... anong koneksyon?? Maninigarilyo ka lang eh. Ts! Amoy kaya!


"May baby sa tiyan si Ate Elyn" sabi ni Matt
"Kaw, may baby sa tiyan?" tanong sa 'kin ni Ivan.
He3! Nyek! May magagalit


Todo iyak na naman ako sa Full House. Babaw talaga ng luha ko.
"Si Luigi ba, hindi ka niya sasaktan? Kaya ka ba niyang alagaan?" tanong ni Justin kay Jessie.
Hay! Eh ano ngayon kung hindi nga sasaktan ni Luigi si Jessie? Nasasaktan lang naman tayo ng mga taong mahal natin. Kaya nga tayo nasasaktan kasi malapit sila sa puso natin.


Sa Bubble Gang kanina...
"pangit ka, baluga ako
hanggang tawanan na lang ba tayo
di mo tangggap, deny to death ako
hindi kaya bangungot lang ito?
ayaw mang gawin
tawa'y di kayang pigilin
pag kami'y inyong napapansin"


Kung mayroong "Sibling Rivalry", mayroon din bang "Parental Rivalry"? ha! Di ko na nga alam kung anong itatawag dun. Kaya nga hindi ko ginagamit laptop ko eh. he3!


"Kaya Jessie, gusto kong isuot mo ito." Sabi ni Justin sabay labas sa singsing.
"Ano ito?" Tanong ni Jessie.
"Bulag ka ba? Eh di singsing. Jessie, gusto kong pakasalan mo ako."


My parents are finally annulled. Matagal na itong nangyari pero hindi ko lang maisulat. Aayusin na lang yung tungkol dun sa partition shit. 'Di ako makapaniwala that the judge fell for that shit. I mean mas magaling pa ako gumawa ng istorya kaysa dun sa binigay na petition ni mom. At bakit pa kailangan pag-usapan yung partition blah blah? Eh they're annulled nga eh! That means that their marriage is considered null and void. Hindi nangyari! Walang marriage na naganap. Then why the hell is there conjugal property?? Argh! Idiots!


Mother's Day nung nakaraang Linggo. Hindi ko kasama si mom. Halata ba?


I thought that romber would win. Sayang talaga! Galing pa naman nila. Sila dapat nanalo


wahahaha! Dami na nangyari simula nung supposedly shopping adventure namin ni Meg. Ayon sa aking cellphone, (yes, i use my cellphone's calendar. naks!) May 13 kami umalis. Dapat kami lang kaya lang sasama daw si tapar, sian at gj. Pag dating dun, andun si ian. Tapos andun din yung ibang taong nakalimutan ko na ang mga pangalan. Basta masaya naman.


wahahaha! I have no idea why I always felt that way whenever he calls. But after the camp, I realized that I must be insane to actually have a crush on him. He's cute and he's definitely a gentleman but.... It's really hard to explain. But I can assure you that he's definitely out of my system. And he's definitely not *******


"Oh man, if he and Kanzaki reproduce, the product of such a union would spell the enslavement of mankind."


Seth Gabel is so hot! I never really watched Nip/Tuck until I saw him and the plot is really twisted.



waaahh!!! Kinikilig ako! Ang saya kasi ng story ng idolo ko. WTF? Did I just use the word "idolo"? he3! Sana ganun din ang mangyari sa amin. Kaya lang, wala akong lakas ng loob na manligaw. Duh! Tsaka, I'm still not sure of his feelings. hay! Basta! Kinikilig ako. Nakaka-inggit naman.


Why the hell am I attracted to artists that smoke? Pangalawang beses na ito. Argh!


Wala akong pakialam sa kanya! Kahit hindi mo nga siya ipakilala sa akin eh... pero bakit ka ganun? Parang ala ka ring pakialam sa akin. Dahil ba kasama mo siya?


Nahuli ako!!! Hindi talaga ako makapaniwala. Hindi na kasi ako nag-iingat. argh! Mas matalino ba siya sa akin? argh! Naisahan niya ako! Kailangan ko tuloy magtago. Napaka-careless ko kasi! Hindi na ito mauulit. Maiisahan ko rin siya! Basta! If you're reading this, maghanda ka na 'cause payback's a bitch! Hindi mo alam kung ano o paano pero sinisigurado ko sa'yo na pagbabayaran mo ito


SOMEONE USED MY MULTIPLY ACCOUNT.


Naghihintay ako ng fx papuntang katips. May nag-text. Sa august 1 na raw ang kasal nina mom. So, nakasakay na ako ng fx. Andun ako sa harap, umiiyak.


First time ko nga palang um-attend ng rehearsal ng T.A. bilang aSM. Teka, first time ko nga um-attend ng rehearsal ng T.A. he3! Katuwa! Nakakaaliw yung mga tao. Ka-pagod lang mag-commute. Sinumbatan pa ko ni dad dahil hindi ko raw sa kanya sinabi na gagabihin ako. Sinabi ko kaya nung Linggo. Hindi lang niya maalala. Hay!


Ako: Ulcer?
Anne: Oo. Once a year, tatlong beses.
Ako: Ano?
Anne: Once a year, tatlong beses.
Ako: wahahahahaha!


Mayroon akong ka-block na nag-text sa akin. Ma-la-late daw siya. Sabihin ko raw, nasiraan sila. So, eto nangyari habang chi-ni-check yung attendance:
Guidance personnel: (*Pangalan ng ka-block kong nag-text sa akin*)
Ako: Nasiraan po.
Guidance personnel: Nang ulo?
Anne, Yen, at Karen: (tumatawa)
Ako: er...


Grrr...! Malandi ka talaga! Pero okay lang. Sino ba naman ako para magselos. 'Di ba magkaibigan na lang naman tayo... Buti pa sila cth at meg, inaalala nila ako...


Tapos nung umaga, pillow fight kami ni Rome. Argh! Ayaw niya magpatalo. Okay lang sana kung ganon kaya lang mas malakas siya sa akin. duh! He's a seventeen year old teen. wahahaha! Mas matanda ka pa rin sa akin.


Robby: "Teka lang. Hindi ko mahanap yung ticket(parking ticket)"
Tita Malia: "Eto na nga inaabot ko sa'yo"
Robby: *binigay sa guard yung ticket*
Guard: *tinanggap ang ticket tapos binalik kay robby*
Robby: "Mommy, mirror mo ito eh"
Lahat ng nasa car, pati na ang guard: *tawanan*
Tita Malia: "Sorry. Madilim kasi eh..." *tawa din*


Nag-quit na ako bilang aSM sa "Bayan-bayanan." Nakakalungkot.


Bakit lagi akong singkit tuwing July 31?


Bakit ba yun ang kinuhang emcee nina mom? Grr...! Eto ang ilan sa mga linya nila:
a. "Hindi pa yata prepare si Pastor Eph."
b. "...marriage life..."
c. "...konting interuftion lang..."
d. "They've been friends por almost ten years."
e. "Let us call on our bride and groom to give us words."
Grrrr! Di ko alam kung matatawa ako o maiinis.


Nabuhat ko yung water dispenser na walang lamang tubig! He3! Akala ko magaan. Pero mabigat din siya. Pagbaba ko ng galian, nahulog ko yung lalagyan mismo ng tubig. May tumulong sa akin. Tapos tinatanong niya kung saan ko raw ilalagay. Parang nagpi-presentang buhatin. Eh sa RMT ko pa ilalagay kaya sabi ko okay lang ako. he3! May gentleman pa pala sa ateneo. Hay! I miss YFC. WAJA!


Nakaka-miss ang nakaraan.
Bakit nagbabago ang mga tao?
Bakit sila nagpapaka-conio?
Hindi bagay.
Hindi talaga.
puta!


R'meo Luvs Dewlhiett rocks! wahahaha


Sana layuan ako ng mga ex ni dad. Napakahirap ng sitwasyon ko.


Ok kanina si Sub. he3! Hindi niya kami pinahirapan. Yey! I miss hanging out with Marika and Michelle. Wahahaha! As if naman hindi kami nagkikita. he3! Naaalala ko kasi na lagi ko sila kasama pag pagod ako.. he3!


Naguguluhan ako... Mag-q-quit ba ako? Ayoko namang mag-stay pero hilaw naman performance ko... Nawawalan na ako ng gana... Nakakalungkot


Nag-quit na ako. Mahirap lumayo pero nagawa ko.


wahahaha! I'm FREE!!! he3! o.a. ko naman. Nung oct. 13 ko pa sembreak pero ngayon lang ako nakapag-post uli. he3! Nung oct. 13 nga pala kami nagpunta kina Riza. Hindi ako nagswimming. he3! La lng. Masaya naman. Marami akong nalaman sa mga ka-block ko. he3! Nakaka-miss h.s.


Hay! I feel so isolated. Daig ko pa si Rapunzel na nakakulong sa kanyang torre. At least siya maganda yung view. Miss ko na kada ko. Miss ko na school...(school???)


i am so pissed off! i unintentionally almost destroyed my graduation tape. i can't use my video cam. i got fooled by a stupid website. i told a complete stranger about my deepest darkest secrets (hindi lahat pero kahit na...). i'm surrounded by a bunch of male chauvinists. arrrgghh! hell DEFINITELY hath no fury like a woman scorned. i promise that i WILL get even! and i will try to stay sober for the rest of my life(as if naman kaya ko itong gawin... pero kailangan ko itong gawin dahil lumalabas ang katangahan ko kapag umiinom ako! grrrrrh! life is not fair!)


Kailan kaya magkakabati sina Tita Malia at Daddy? Hay! Na-mi-miss ko na sila. Feel ko kasi hindi siya makapunta dito dahil sa alitan nila ni Dad at dahil nagtatampo siya kay Lola. Hay! Paano na sa Pasko? Sana naman maging ok na ang lahat. 2005 is a very depressing year for me and for my family. Sana maging masaya naman ang Pasko namin.


Sabi niya blessing na raw ang C at miracle ang B. waaaah


nakita kita kanina...
hindi na ako gaanong nababagabag...
palagi ko kasing iniisip na kailangan kong...
sundin ang pinag-uutos ng isip at
kalimutan ang sinisigaw ng puso.


I LOVE my FAMILY!!!

broken

sa Lex: BREAKING stereotypes sa Love: BREAKING traditions ang lakas kasi ng loob ko.. kala ko kaya ko lahat.. kaya eto ako ngayon: BROKEN a...