Tuesday, August 30, 2005

30

Kanina yung LT namin sa Zoo Lab. Hay! Bakit kasi hindi puspusan ang pag-aaral ko nung Lunes. Wala namang pasok. he3! Ok lang naman. Sana okay rin ang grade.

Naaliw ako sa PnoI! wahahahaha! Parang mas gusto ko ngayon yung guro namin. Basta! Masaya talaga yung subject na iyon.

Hindi ako nagka-pasa sa P.E. wahahaha! first time ito! he3! Nakakapagod talaga. Si Sub kasi ang nagturo sa amin. Hay! Pagkatapos ng P.E., dapat tuturuan ko si Michelle ng Math. Wahahahah! Kasama namin si Mai. ... Hay!... kabangangan papuntang gonzaga... hindi maganda para sa aming tatlo ang napapagod... promise.. dapat aalis kami ni anne para mamili ng gift for clar... hay! kailangan kong umuwi eh. Paano nga ba ako pupunta sa debut ni clar? hay! Kakalungkot naman.. wala akong transpo... hindi naman ako makapag-pahatid kay mom kasi si dad... masyadong ma-pride.... hay!

sana tulad na lang uli ng dati...
i hate change...

Sunday, August 28, 2005

hay!

Nakaka-miss ang nakaraan.
Bakit nagbabago ang mga tao?
Bakit sila nagpapaka-conio?
Hindi bagay.
Hindi talaga.
puta!

Sunday, August 21, 2005

matagal na rin

1. Tagal ko nang hindi nakakapag-internet pero 104 messages lang ang laman ng inbox ko.
2. Wala pa akong naibebentang ticket... wahahaha!
3. Nagpapasalamat ako sa Ateneo Shuttle Service. he3!
4. Sinabi ko kay Anne kung sino si CSA
5. I miss H.S.
6. I saw waja. Ganun pa rin siya. he3!
7. Hindi ko pa ginagawa yung mapanuring sanaysay ko
8. I hate PE 131
9. 100% pure... kaya ko ba yun?
10. I wanna learn how to speak italian.

Monday, August 08, 2005

mahabang update

July 31 Ang Aking Kaarawan
1. Bakit lagi akong singkit tuwing July 31? He3! Pero ngayon, hindi na dahil sa iyak. Nagpuyat kasi ako.
2. Unang beses kong nag-birthday na walang cake.
3. Hindi pumunta Romero clan pero tumawag sila. Si tito Rainee lang ang pumunta sa pamilya niya. Hindi rin pumunta sina tita Bubut. Dumaan sina lola Meng, tita Susan, at Hannah. Hay! Buti pa friends ko, panay ang bati sa akin kahit sa text lang.
4. Nakikipag-usap na si Matt kay Hannah.
5. I didn't expect much and I wasn't disappointed.
6. Ganito pala ang feeling pag seventeen ka na. Parang wala lang. he3!
7. Alam ko na kung bakit naghihigpit si dad sa akin. Seventeen kasi si mom nung nabuntis siya. Duh! Di yun mangyayari sa akin.

August 1, 2005 Ang Kasal
1. Sa San Mateo uh.... ano nga ba tawag dun? Yung sa mayor? Munisipyo ba yun? Basta dun ginanap ung civil wedding. Kilala pa ni lolo yung mayor.
2. First time ko sa Montalban. La lang. Nandoon sina Rebbie at Brendie. He3!
3. Punta kami Sulu Hotel para sa reception. Nagkaroon ng power failure. Buti na lang may generator. Siyempre! Umulan ng malakas kaya mayroong mga hindi nakapunta.
4. Bakit ba yun ang kinuhang emcee nina mom? Grr...! Eto ang ilan sa mga linya nila:
a. "Hindi pa yata prepare si Pastor Eph."
b. "...marriage life..."
c. "...konting interuftion lang..."
d. "They’ve been friends por almost ten years."
e. "Let us call on our bride and groom to give us words."
Grrrr! Di ko alam kung matatawa ako o maiinis.
5. Natakot si Hannah sa mga taekwondo exhibition. Yung mga sumisipa ng wood. He3! Yung isa nga tumalsik sa food. Buti na lang nakakain na kami.
6. Hay! Di ko ma-imagine si mom na may ibang surname.

August 4, 2005 Gateway
1. Nag-meet kami ni Meg sa Gateway. Dapat bonding kaming tatlo ni Tapar kaya lang nakalimutan kong i-text si Tapar. SORRY!
2. Andun din pala si GJ. Ok lang yun. Gusto ko naman si GJ para kay Meg. Tsaka di siya tulad ng iba na nag-o-O.P. Nirerespeto niya friendship namin at friendly din siya sa amin. Tsaka ang cute nila ni Meg. Inggit ako. he3! Onti lang. Shanta Claush!
3. Ikot lang kami ni Meg. Ha! Wala magawa! He3!
4. May laban pala ateneo. Di ko alam eh.
5. Biglang dumating si Ephraim. (Yun nga ba name niya. Di ko alam eh. I don't care. Basta yung boy-toy ni Lara. Mukhang teacher. He3!)
6. Hinintay pa naming si Lara. Tinanong ni GJ kung bakit ako tumahimik. Sabi ni Lara lagi daw akong tahimik. As if! Hanggang ngayon clueless pa rin yung taong iyon...
7. Okay lang. I had fun naman. Miss ko na si Meg. Miss ko na S'mall

August 6-7, 2005 Trainee's Night at Trainee's Workshop
1. 'Di ko pwedeng sabihin lahat ng nangyari basta excited na akong maging member para gagawin naman namin yun sa mga trainees. He3!
2. MASAYA na NAKAKAIYAK. He3! Basta! Pero masaya talaga siya. Basta!

August 7, 2005
1. Kaarawan ni Lola. Andito silang lahat. Wala si Lolo. I miss him. We miss him.
2. Pinanood naming debut ni Rachelle. He3! Ako naman daw next year. NO! Ayoko ngang mag-seryosong debut.

August 8, 2005
1. Nabuhat ko yung water dispenser na walang lamang tubig! He3! Akala ko magaan. Pero mabigat din siya. Pagbaba ko ng galian, nahulog ko yung lalagyan mismo ng tubig. May tumulong sa akin. Tapos tinatanong niya kung saan ko raw ilalagay. Parang nagpi-presentang buhatin. Eh sa RMT ko pa ilalagay kaya sabi ko okay lang ako. he3! May gentleman pa pala sa ateneo. Hay! I miss YFC. WAJA!
2. Kahit anong linis\walis ko sa RMT eh madumi pa rin siya. Promise! Uy! Marunong akong magwalis ha!
3. Nakuha ko wish ko. Ang tagal na kitang hindi nakikita. Ang tagal na kitang hindi nakakausap. Hindi nga kita binabati eh. Pero kanina, nakita kita. Nakakalungkot. Masakit pa rin pala pag nakikita kita. Masakit pa rin. Puta! May nararamdaman pa ako

broken

sa Lex: BREAKING stereotypes sa Love: BREAKING traditions ang lakas kasi ng loob ko.. kala ko kaya ko lahat.. kaya eto ako ngayon: BROKEN a...